Maui Pacquiao

Ang nawawalang baklang kakambal ni Manny

Monday, April 30, 2007

Lafangan

Kinain namin ang maja blanca ni Digna. Pati chicken feet ningat-ngat namin. Tawanan. Nakalimutan sandali ang problema ni Boyet.

Hawak ang chicken foot sa isang kamay, nagtanong si Digna: "Malaki ba naman yang iniiyakan mo?"

Di nakasagot agad si Boyet. Lahat kami naghihintay.

"Ano?" pilit ni Digna.

May sinabi si Boyet pero di namin maintindihan. Puno kasi bibig niya at sinabayan pa ito ng pag-inom ng coke.

Naghihintay pa rin kami ng sagot.

"Sabi ng Nanay, don't talk when your mouth is full daw," sabi ni Boyet.

"Ano nga? Malaki ba?" tanong uli ni Digna.

"Yun na nga, mouthful," sagot ni Boyet.

"Aaaaah," chorus namin.

"Gaano kalaki?" ayaw pa ring tumigil ni Digna.

"Basta," sagot ni Boyet.

"Kung mouthful sya," sabi ni Digna habang hinahawakan at parang iniexamine ang mukha ni Boyet, "nga-nga ka nga."

"Ha?" tanong ni Boyet.

"Open your mouth," utos ni Digna.

Binuka naman ng bakla ang bibig nya.

"Ay maliit," sabi ni Abel.

"Malaki," giit ni Boyet.

"Bakla, ang size ng lalaki relative yan sa size ng bibig ng bakla, or sa luwang ng pwerta niya," dugtong ni Abel.

Medyo mahina sa pick-up ang Boyet. Nag-isip pero kita pa rin sa mukha niya na di nya nakuha ang punto.

"Bakla, maliit lang ang bibig mo. Kung mouthful si lalaki para sa yo, ibig sabihin maliit din ang kanya," sabi ni Abel.

Biglang binuka ni Boyet ang bibig niya, napakalaking pagbuka, pati tonsils niya kita.

"Anong tawag mo don? Maliit?" tanong niya.

"Malaki nga," tanging nasabi ni Abel.

Balik kami sa pagkain ng maja blanca.

Monday, April 23, 2007

Maja Blanca

Sa tuwing may okasyon, maja blanca ang dinadala ni Digna. Ang mga bakla, ini-expect ito.

Nag-umpisa ang pagdala niya ng maja blanca ilang taon na ang nakalipas. Isang party. Ang lahat bumili ng madadala sa kung saan -- napakaraming litsong manok, liempo, jelly roll, cake, 1.5 liters na coke, at iba pa. Pero ang Digna, nagluto ng maja blanca.

At ayon kay Digna, ganito ang pagluto:

Ingredients

½-cup cornstarch
½-cup white sugar
2-cups coconut milk
coconut cream from 1 grated coconut


Lutuin ang kakang gata sa mahinang apoy hanggang maging latik. Dapat golden yellow ang kulay ng latik at hindi sunog. Itabi ang latik.

Ipaghalo ang cornstarch at asukal, tapos ilagay ang ¼-cup of coco milk.

Pakuluin ang coco milk. Isalin ang cornstarch-sugar mixture, hanggang may consistency na ito.

Isalin sa muldahan.

Palamigin.




Ganon lang daw kasimple ang pagluluto niya. Wala itong mani o sweet corn sa ibabaw. At ito ang ikinaganda ng maja blanca ni Digna.

Sa tuwing binubuksan namin ang dala niyang tupperware, tumatawa kami.

Dahil sa ibabaw ng kanyang puting maja blanca ay inihaw na chicken feet.

Wednesday, April 18, 2007

2nd time

"Anong tinitingin-tingin nyo dyan?!" ang pasigaw na tanong ni Boyet sa mga kapitbahay niyang nakatingin sa kanya.

"Hindi ito Pinoy Big Brother! Anong akala nyo, isang malaking plasma TV ang buhay ko?" dugtong ng bakla.

Wala syang natanggap na sagot. Parang wala ring narinig ang mga kapitbahay niya, tuloy pa rin ito sa pinapanood nila. At ang Boyet, pumasok na lang sa bahay niya.

Wala pang isang oras ay nagsidatingan na ang mga bakla. Todo comfort ang ginawa kay Boyet na on and off ang pag-iyak.

"Sinabi ko naman kasi sa yo," ang sabi ko kay Boyet.

Di sya umiimik. Tiningnan lang ako sabay iyak.

"Huwag mo ng sisihin," sabi sa akin ni Abel, kabarkada naming bakla.

Shut up na lang ako. Pati mga bakla shut up na rin.

"Hindi naman ito ang first time," sabi ni Boyet na ikinagulat ng lahat.

"Really?" sagot ni Abel.

"OO," sagot ni Boyet.

Eto ang kwento nya: Nahuli daw nya minsan na may nagtxt ng "Miss u na love" sa celphone ni Alfred. Confrontation scene ang kasunod. Inamin naman ng lalaki at nag-offer pa ito na hihiwalayan ang babae. Then and there, tinext ni lalaki si babae. Tigil na daw sila sa kanilang relasyon kasi nahuli daw sila ng "original na GF" niya. Malaking bagay kay Boyet ang linyang "original GF." Biglang nakalimutan nito ang pagtataksil ni Alfred.

Pero di tumigil ang girl, tinext uli si Alfred. Si lalaki naman, nagpakita ng honesty at pinabasa kay Boyet ang message.

"Sagutin mo," sabi ni Alfred sa kanya.

"Ayoko nga," sagot ni Boyet.

"Sige na. Para matigil na sya," pangungumbinsi ni Alfred.

At sinagot ni Boyet ang text ng babae.

"Hoy! GF nya to. Tumigil ka na!" ang reply niya.

"Sori," naman ang reply ng girl.

Pero di pa rin tumigil ang girl. Nagtext ito ng: "Matagal na kayo?"

Sa inis ni Boyet, sinagot niya ito ng: "OO. Live-in kami. Buntis ako."

Natawa lang si Alfred.

Si babae, feeling close. Nagtxt pa uli. "Pwede tayo kita, gusto kita makilala para friends tayo?"

Nainternalize na ng bakla ang kanyang pagiging girl. Nagreply siya. "Wag na, baka makasama sa baby."

Lalong lumakas ang tawa ni Alfred.

Si Boyet, nakalimutan ang kasalanan ni lalaki. Hanggang nitong huli.


"Ganon naman pala e, di naman pala first time. Mabuti na lang at nahuli mo," sabi ko.

Natahimik uli ang Boyet.

Walang nagsasalita nang dumating si Digna, the man formerly known as Ditos.

"Tama na ang drama, kain muna kayo," sabi niya, hawak sa kamay ang isang tupperware.

"Ano yan?" tanong ni Abel.

"Guess what?" sabi ni Digna.

"Ano nga?" tanong ko.

"Ano pa, e di yung favorite niyo. Maja Blanca," sagot ng bading.

Sumabog kami sa tawanan. Pati si Boyet, maluha-luha sa katatawa.

Sunday, April 15, 2007

Itaktak mo

Natigilan si Boyet. Sa harap niya si Alfred at ang kanyang babae, parehong nakayuko ang mga ulo, tila nagtatago sa mga balang dapat ay tumama sa kanila. Pero wala, di pumutok ang kalawanging baril.

Mabilis mag-isip si Boyet. Tulad ng mga pagsagot niya sa question and answer portion sa mga Miss Gay Pageants na sinalihan niya noong medyo bata-bata pa siya, mabilis itong mag-isip. Takbo sya sa kusina. At dahil di naman kalakihan ang kanyang bahay-- 100 square meters lang naman ang floor area --nakabalik sya agad.

"Mga putang-ina!" sigaw niya, pati mga luhaang mata niya nagmumura.

At sa kanang kamay niya hawak ang isang itak.

Di lang yan, sa kaliwang kamay ay hawak ang butcher's knife.

Takbo ang girl palabas ng bahay. Si Alfred, takbo rin.

Ewan at bakit di tinuluyang tagain ni Boyet ang dalawa. Kaya naman kasi nyang gawin yon, pero di nya ginawa. Pero hinabol pa rin nya ang dalawa, tila nananakot lang.

Effective naman ang pananakot niya. Mabilis ang takbo ng dalawa, mula sa bahay, palabas ng gate, hanggang kalsada, at naglaho sa mga kabahayan.

At ang Boyet, sa gitna ng daan, binuhay si Andres Bonifacio sa katawan ni Nora Daza.

Thursday, April 12, 2007

Bullets Over...

Eto pa ang isang kaibigan ko-- si Boyet. Isang designer. Magaling kung sa magaling. Di nga lang nabigyan ng break. Kasi walang pang-puhunan para mag-open ng sarili niyang shop. At kahit sa galing niya, nangangamuhan pa rin. Designer sa isang shop na di naman niya pag-aarii.

At dahil nga magaganda naman ang designs nya at marami syang clients, may karapatan si Boyet na humingi ng malaking sweldo sa kanyang amo. At dahil doon, medyo angat sa buhay ang bakla.

Sa pera niya, nakayanan nyang kumuha ng bahay sa National Housing Authority sa Buhangin District. Simple lang ang bahay. Kwadrado ang porma. Low-cost baga. Kung titingnan sa labas, wala itong pinagkaiba sa ibang bahay sa buong subdivision. Box-type lahat. Pero sa loob nito, lumabas ang pagka-artist ng bakla.

At dahil nga may sariling ng love nest ang bakla, kailangan din niya ng love interest. Dito pumasok sa eksena si Alfred-- gwapo, maganda ang katawan. Ayon kay Boyet, mabait daw. Ayon sa ibang bakla, di naman ganon ka-bait ang lalaki.

Sobrang isang taon na ring live-in ang dalawa. Si Alfred nag-aaral sa isang unibersidad. Kumukuha ng kursong civil engineering. Ang claim ni Boyet-- di naman daw sya ang nagpapaaral, dagdag allowance lang daw ang binibigay niya. Free board and lodging din daw. Pero ang mga bakla, ayaw maniwala. Ang sabi nila-- si Boyet ang gumagasta sa lahat.

Whatever. Yan lagi ang sagot ni Boyet. Ang importante ay masaya sya. Hanggang sa nagsimula syang magdudang may babae si Alfred.

Noong isang araw, nawala na ang pagdududa ni Boyet. Nalaman nya ang katotohanan. May babae nga si Alfred.

Umalis sya ng bahay para magtrabaho. Ang Alfred, naiwan dahil wala namang pasok. Pero imbes na sa shop ang punta, hanggang kanto lang ang taxi na sinakyan ni Boyet. Sa loob ng sasakyan, doon naghintay ang bakla-- di inaalis ang mga mata sa gate ng bahay niya.

Ilang minuto lang ang lumipas mula ng "umalis" siya, pumasok ang babae sa gate.

Binayaran ni Boyet ang patak sa metro ng taxi. Di na hinintay pa ang sukli. Bumaba ito. Nagmamadaling naglakad papuntang bahay niya. Pumasok ng gate. Dumiretso sa pinto. Dinatnan si Alfred at ang babae na nakupo sa sofa.

Umiyak ang bakla. Nilabas ang baril sa kanyang shoulder bag.

"Mga hayop kayo!" sigaw ng bakla sabay pisil sa gatilyo ng baril.

Ilang beses ding nagclick ang gatilyo. Nakapikit pa ang bakla ang habang ginagawa ito. Pagdilat nya, naandon pa rin si Alfred at ang babae. Buhay pa sila. Wala ni isang tama. Wala ni daplos. Wala ni isang patak ng dugo.

Tiningnan ni Boyet ang baril. Di ito pumutok. Kalawangin na kasi.

Monday, April 9, 2007

Halimuyak ng Babae

Siya si Digna. Dating Ditos ang pangalan. Nang magtrabaho sa isang parlor, binago ng amo nya ang kanyang name.

"Pangit ang Ditos, medyo sosyal dapat," sabi ng amo niyang si Jam.

Di nakapagsalita ang Ditos.

"Mula ngayon Digna na ang tawag sa yo. Digna Brillantes," ang deklarasyon ni Jam.

"Brillantes?" tanong ng bakla.

"OO. Pag may nagtanong na kung kaano-ano mo ang mga Brillantes sa Compostela Valley, sabihin mong mga kamag-anak mo sila. O di ba, sosyal?" sagot ni Jam.

Isang rich, political family ang mga Brillantes sa Compostela Valley. Operator lang naman sila ng ilang tunnels ng gold sa Monkayo town.

Pero hindi ang pagiging Digna Brillantes ni Ditos ang kwento. May nangyaring pwedeng maging dahilan para itakwil siya ng kanyang mga "kamag-anak."

Madaling araw kahapon, Easter Sunday, naglandi ang bakla. Maagang nagising para sa "salubong." Pero di nakarating sa simbahan. Sa jeep pa lang ay gumawa na ng sarili nyang milagro ang bakla. Nagpa-cute sa katabing lalaking pasahero. Binulungan itong bumaba ng jeep at maghanap ng lugar kung saan ise-celebrate ang pasko ng pagkabuhay.

Sa isang madilim na lugar, dinala ni Digna ang lalaki. Inumpisahan ang dapat mangyari. Magaling si Digna. Magaling din ang lalaki.

Sa kalagitnaan ng makamundong gawain para makarating sa langit, biglang napamura ang lalaki.

"Putang-ina naman," sabi ng lalaki.

Walang nagawa ang Digna. Kasalanan niya. Umutot sya.

Monday, April 2, 2007

News Flash

Dahil bakla ako, kailangang makipag-bonding din ako sa mga kapwa ko bakla. Kailangang join ako sa pinoy gay bloggers. Kailangan ding "bosohan" ko si Migs.

Sunday, April 1, 2007

Sa harap ng salamin

Maaga akong nagising kaninang umaga. Actually, madaling araw pa lang ay gising na ako. Nope, hindi po ako sisimba dahil Palm Sunday. Ewan ko ba kung bakit, pero mula noong sinabi ni Mama ang "kanyang katotohanan," di na ako mapalagay-- late na ako kung matulog pero ang aga ko namang nagigising.

Sa harap ng salamin, sinuri ko kung may hawig ba kami ni Manny. Wala.

"Baka di kayo identical twins," sabi ni Mama sa akin noong isang araw.

"Baka di kami kambal," mabilis na dugtong ko.

"Sabi ng midwife, sure daw sya," mabilis ding dugtong ni Mama.

"Ma, bakla ako. Barumbado si Manny," sabi ko.

Di sya nakadugtong. End of conversation.

Wala nga kaming kahit katiting na hawig ni Manny. At kung totoo man na kambal kami, sino ang mas matanda sa amin. Kuya ko ba sya? O ate nya ako?

Litong-lito na ako. At sa harap ng salamin sa aking kwarto, kumanta ako.

Mahina na pagkanta, halos bulong lang.

Look at me
You may think you see
Who I really am
But you’ll never know me
Every day, is as if I play apart
Now I see
If I wear a mask
I can fool the world
But I can not fool
My heart


Medyo malakas na.

Who is that girl I see
Staring straight back at me?
When will my reflection show
Who I am inside?


Di ko alam ang sunod na linya. Hum na lang ako.

At sa huli, binirit ko na.

Who is that girl I see
Staring straight back at me?
Why is my reflection
Someone I don’t know?
Must I pretend that i’m
Someone else for all time?
When will my reflection show
Who I am ins--ahahaha

Biglang may katok sa pinto.

"Natutulog pa kami ng Papa mo," sabi ni Mama.