Maui Pacquiao

Ang nawawalang baklang kakambal ni Manny

Monday, April 23, 2007

Maja Blanca

Sa tuwing may okasyon, maja blanca ang dinadala ni Digna. Ang mga bakla, ini-expect ito.

Nag-umpisa ang pagdala niya ng maja blanca ilang taon na ang nakalipas. Isang party. Ang lahat bumili ng madadala sa kung saan -- napakaraming litsong manok, liempo, jelly roll, cake, 1.5 liters na coke, at iba pa. Pero ang Digna, nagluto ng maja blanca.

At ayon kay Digna, ganito ang pagluto:

Ingredients

½-cup cornstarch
½-cup white sugar
2-cups coconut milk
coconut cream from 1 grated coconut


Lutuin ang kakang gata sa mahinang apoy hanggang maging latik. Dapat golden yellow ang kulay ng latik at hindi sunog. Itabi ang latik.

Ipaghalo ang cornstarch at asukal, tapos ilagay ang ¼-cup of coco milk.

Pakuluin ang coco milk. Isalin ang cornstarch-sugar mixture, hanggang may consistency na ito.

Isalin sa muldahan.

Palamigin.




Ganon lang daw kasimple ang pagluluto niya. Wala itong mani o sweet corn sa ibabaw. At ito ang ikinaganda ng maja blanca ni Digna.

Sa tuwing binubuksan namin ang dala niyang tupperware, tumatawa kami.

Dahil sa ibabaw ng kanyang puting maja blanca ay inihaw na chicken feet.

7 Comments:

Blogger p said...

natawa ko dito. kasi connected dun sa last post mo. ahehe. favorite ko rin maja eh. =)

April 23, 2007 at 3:08 PM  
Anonymous Anonymous said...

Okey, ano naman kaya ang lasa nun? Malamang masarap.

April 24, 2007 at 3:26 AM  
Blogger maui pacquiao said...

philosophical bastard-- try mo with chicken feet topping

empress, ok ang lasa ng maja blanca. at may bonus pang chicken feet na ngangat-ngatin.

April 24, 2007 at 9:47 AM  
Anonymous Anonymous said...

mandaya, ala-like water for chocolate ang stories mo ha. with matching recipes!

April 24, 2007 at 9:53 AM  
Blogger maui pacquiao said...

burrito, gusto ko rin ang como agua para chocolate. si maui po ito. sino si mandaya?

April 24, 2007 at 11:53 AM  
Blogger Lyka Bergen said...

I like Maja Blanca and Chicken Feet.... pero with Digna's Maja Blanca.... coke na lang!

April 28, 2007 at 4:28 PM  
Anonymous Anonymous said...

I like your blog - reminds me a lot of Mandaya Moore's. Anyway, if this is Maui or Mandaya - keep the postings coming, my day's better for finding it...Homie

April 30, 2007 at 1:17 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home