Maui Pacquiao

Ang nawawalang baklang kakambal ni Manny

Thursday, April 12, 2007

Bullets Over...

Eto pa ang isang kaibigan ko-- si Boyet. Isang designer. Magaling kung sa magaling. Di nga lang nabigyan ng break. Kasi walang pang-puhunan para mag-open ng sarili niyang shop. At kahit sa galing niya, nangangamuhan pa rin. Designer sa isang shop na di naman niya pag-aarii.

At dahil nga magaganda naman ang designs nya at marami syang clients, may karapatan si Boyet na humingi ng malaking sweldo sa kanyang amo. At dahil doon, medyo angat sa buhay ang bakla.

Sa pera niya, nakayanan nyang kumuha ng bahay sa National Housing Authority sa Buhangin District. Simple lang ang bahay. Kwadrado ang porma. Low-cost baga. Kung titingnan sa labas, wala itong pinagkaiba sa ibang bahay sa buong subdivision. Box-type lahat. Pero sa loob nito, lumabas ang pagka-artist ng bakla.

At dahil nga may sariling ng love nest ang bakla, kailangan din niya ng love interest. Dito pumasok sa eksena si Alfred-- gwapo, maganda ang katawan. Ayon kay Boyet, mabait daw. Ayon sa ibang bakla, di naman ganon ka-bait ang lalaki.

Sobrang isang taon na ring live-in ang dalawa. Si Alfred nag-aaral sa isang unibersidad. Kumukuha ng kursong civil engineering. Ang claim ni Boyet-- di naman daw sya ang nagpapaaral, dagdag allowance lang daw ang binibigay niya. Free board and lodging din daw. Pero ang mga bakla, ayaw maniwala. Ang sabi nila-- si Boyet ang gumagasta sa lahat.

Whatever. Yan lagi ang sagot ni Boyet. Ang importante ay masaya sya. Hanggang sa nagsimula syang magdudang may babae si Alfred.

Noong isang araw, nawala na ang pagdududa ni Boyet. Nalaman nya ang katotohanan. May babae nga si Alfred.

Umalis sya ng bahay para magtrabaho. Ang Alfred, naiwan dahil wala namang pasok. Pero imbes na sa shop ang punta, hanggang kanto lang ang taxi na sinakyan ni Boyet. Sa loob ng sasakyan, doon naghintay ang bakla-- di inaalis ang mga mata sa gate ng bahay niya.

Ilang minuto lang ang lumipas mula ng "umalis" siya, pumasok ang babae sa gate.

Binayaran ni Boyet ang patak sa metro ng taxi. Di na hinintay pa ang sukli. Bumaba ito. Nagmamadaling naglakad papuntang bahay niya. Pumasok ng gate. Dumiretso sa pinto. Dinatnan si Alfred at ang babae na nakupo sa sofa.

Umiyak ang bakla. Nilabas ang baril sa kanyang shoulder bag.

"Mga hayop kayo!" sigaw ng bakla sabay pisil sa gatilyo ng baril.

Ilang beses ding nagclick ang gatilyo. Nakapikit pa ang bakla ang habang ginagawa ito. Pagdilat nya, naandon pa rin si Alfred at ang babae. Buhay pa sila. Wala ni isang tama. Wala ni daplos. Wala ni isang patak ng dugo.

Tiningnan ni Boyet ang baril. Di ito pumutok. Kalawangin na kasi.

3 Comments:

Blogger Gayzha said...

nice entry... magaling na bakla ang mga taga Davao talaga!

April 12, 2007 at 1:19 PM  
Blogger Bryan Anthony the First said...

ay...bloody red romance itu. itutuoy ba?

cge, maabangan nga!

April 12, 2007 at 3:19 PM  
Blogger Shubert Ciencia said...

ano ang susunod na magaganap? (1)ibabato ni boyet ang baril sa mga taksil (2) pupunta siya sa kusina para kumuha ng kutsilyo at pagsasaksakin ang mga hitad (3) titigan niya mula ulo hanggang paa ang babae saka sasabihing "ang pangit-pangit mo pala..."

April 13, 2007 at 1:38 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home