Maui Pacquiao

Ang nawawalang baklang kakambal ni Manny

Wednesday, April 18, 2007

2nd time

"Anong tinitingin-tingin nyo dyan?!" ang pasigaw na tanong ni Boyet sa mga kapitbahay niyang nakatingin sa kanya.

"Hindi ito Pinoy Big Brother! Anong akala nyo, isang malaking plasma TV ang buhay ko?" dugtong ng bakla.

Wala syang natanggap na sagot. Parang wala ring narinig ang mga kapitbahay niya, tuloy pa rin ito sa pinapanood nila. At ang Boyet, pumasok na lang sa bahay niya.

Wala pang isang oras ay nagsidatingan na ang mga bakla. Todo comfort ang ginawa kay Boyet na on and off ang pag-iyak.

"Sinabi ko naman kasi sa yo," ang sabi ko kay Boyet.

Di sya umiimik. Tiningnan lang ako sabay iyak.

"Huwag mo ng sisihin," sabi sa akin ni Abel, kabarkada naming bakla.

Shut up na lang ako. Pati mga bakla shut up na rin.

"Hindi naman ito ang first time," sabi ni Boyet na ikinagulat ng lahat.

"Really?" sagot ni Abel.

"OO," sagot ni Boyet.

Eto ang kwento nya: Nahuli daw nya minsan na may nagtxt ng "Miss u na love" sa celphone ni Alfred. Confrontation scene ang kasunod. Inamin naman ng lalaki at nag-offer pa ito na hihiwalayan ang babae. Then and there, tinext ni lalaki si babae. Tigil na daw sila sa kanilang relasyon kasi nahuli daw sila ng "original na GF" niya. Malaking bagay kay Boyet ang linyang "original GF." Biglang nakalimutan nito ang pagtataksil ni Alfred.

Pero di tumigil ang girl, tinext uli si Alfred. Si lalaki naman, nagpakita ng honesty at pinabasa kay Boyet ang message.

"Sagutin mo," sabi ni Alfred sa kanya.

"Ayoko nga," sagot ni Boyet.

"Sige na. Para matigil na sya," pangungumbinsi ni Alfred.

At sinagot ni Boyet ang text ng babae.

"Hoy! GF nya to. Tumigil ka na!" ang reply niya.

"Sori," naman ang reply ng girl.

Pero di pa rin tumigil ang girl. Nagtext ito ng: "Matagal na kayo?"

Sa inis ni Boyet, sinagot niya ito ng: "OO. Live-in kami. Buntis ako."

Natawa lang si Alfred.

Si babae, feeling close. Nagtxt pa uli. "Pwede tayo kita, gusto kita makilala para friends tayo?"

Nainternalize na ng bakla ang kanyang pagiging girl. Nagreply siya. "Wag na, baka makasama sa baby."

Lalong lumakas ang tawa ni Alfred.

Si Boyet, nakalimutan ang kasalanan ni lalaki. Hanggang nitong huli.


"Ganon naman pala e, di naman pala first time. Mabuti na lang at nahuli mo," sabi ko.

Natahimik uli ang Boyet.

Walang nagsasalita nang dumating si Digna, the man formerly known as Ditos.

"Tama na ang drama, kain muna kayo," sabi niya, hawak sa kamay ang isang tupperware.

"Ano yan?" tanong ni Abel.

"Guess what?" sabi ni Digna.

"Ano nga?" tanong ko.

"Ano pa, e di yung favorite niyo. Maja Blanca," sagot ng bading.

Sumabog kami sa tawanan. Pati si Boyet, maluha-luha sa katatawa.

5 Comments:

Anonymous Anonymous said...

just as i suspected it! mandayamoore ikaw ba talaga ito? ano naman ang nangyari sa dati mong account...?

April 18, 2007 at 5:11 PM  
Anonymous Anonymous said...

hahaha! Yep taga- DAvao ako! nganu? kaw pud diay?

April 19, 2007 at 8:39 PM  
Blogger Shubert Ciencia said...

bakit favorite n'yo ang maja blanca?

April 20, 2007 at 1:57 PM  
Blogger Lyka Bergen said...

Tama si Yatot..... Mandaya Moore ang dating ng blog na toh.... Ateh pls! Ikaw nga ba yan?

April 20, 2007 at 4:48 PM  
Blogger Frankie Calcana said...

kawawa naman si Boyet, buti na lang may Maja Blanca. true story ba ito?

April 27, 2007 at 5:43 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home