Maui Pacquiao

Ang nawawalang baklang kakambal ni Manny

Monday, April 30, 2007

Lafangan

Kinain namin ang maja blanca ni Digna. Pati chicken feet ningat-ngat namin. Tawanan. Nakalimutan sandali ang problema ni Boyet.

Hawak ang chicken foot sa isang kamay, nagtanong si Digna: "Malaki ba naman yang iniiyakan mo?"

Di nakasagot agad si Boyet. Lahat kami naghihintay.

"Ano?" pilit ni Digna.

May sinabi si Boyet pero di namin maintindihan. Puno kasi bibig niya at sinabayan pa ito ng pag-inom ng coke.

Naghihintay pa rin kami ng sagot.

"Sabi ng Nanay, don't talk when your mouth is full daw," sabi ni Boyet.

"Ano nga? Malaki ba?" tanong uli ni Digna.

"Yun na nga, mouthful," sagot ni Boyet.

"Aaaaah," chorus namin.

"Gaano kalaki?" ayaw pa ring tumigil ni Digna.

"Basta," sagot ni Boyet.

"Kung mouthful sya," sabi ni Digna habang hinahawakan at parang iniexamine ang mukha ni Boyet, "nga-nga ka nga."

"Ha?" tanong ni Boyet.

"Open your mouth," utos ni Digna.

Binuka naman ng bakla ang bibig nya.

"Ay maliit," sabi ni Abel.

"Malaki," giit ni Boyet.

"Bakla, ang size ng lalaki relative yan sa size ng bibig ng bakla, or sa luwang ng pwerta niya," dugtong ni Abel.

Medyo mahina sa pick-up ang Boyet. Nag-isip pero kita pa rin sa mukha niya na di nya nakuha ang punto.

"Bakla, maliit lang ang bibig mo. Kung mouthful si lalaki para sa yo, ibig sabihin maliit din ang kanya," sabi ni Abel.

Biglang binuka ni Boyet ang bibig niya, napakalaking pagbuka, pati tonsils niya kita.

"Anong tawag mo don? Maliit?" tanong niya.

"Malaki nga," tanging nasabi ni Abel.

Balik kami sa pagkain ng maja blanca.

5 Comments:

Blogger Lyka Bergen said...

Kalokah! Deep Throat ang kalakihan ha! Sampung Chicken Feet ang pwede sa mouthful ng Boyet na yan ha! Talented!

April 30, 2007 at 3:19 PM  
Anonymous Anonymous said...

Ang slow ng pick-up ni Boyet huh!

May 1, 2007 at 12:50 AM  
Blogger Lyka Bergen said...

Boyet.... I am sure kakayanin ng mouth mo ang isang human foot. Yuck, I dont like!

May 1, 2007 at 8:38 AM  
Blogger JEROME GOMEZ said...

ate, balita? natapos mo ba yung sinusulat mo?

May 3, 2007 at 10:04 PM  
Anonymous Anonymous said...

hehehe

Cool blog! =D

August 9, 2007 at 9:53 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home