Maui Pacquiao

Ang nawawalang baklang kakambal ni Manny

Wednesday, May 30, 2007

Balik Davao

Nakakapagod ang byahe.

Nang nakabalik na ako ng Davao, binigyan ko ng regalo ang aking sarili.

Mababaw lang naman ang aking kaligayahan.

OK na sa akin to.





at eto pa

Sunday, May 27, 2007

Walang Kape

Galing ng Linamon, dumiretso ako sa Iligan kung saan may ka-meeting naman akong isang kaibigan.

"Gusto ko kape," nasabi ko.

"Wala namang coffee shop dito e," sagot niya.

Nag-isip kami.

"Sa Red Ribbon na lang," sabi niya.

At sa Red Ribbon nga kami pumunta.

"Miss, brewed coffee," sabi ko.

"Ay wala kaming coffee," sagot sa akin.

"Hot choco na lang," sabi ko.

"Hindi rin available sir," sagot sa akin.

Di na ako nag-isip, automatic ang sagot ko: "Magsara na lang kaya kayo."

Smile lang ang girl.

"Iced tea na lang," sabi ng kasama ko.

"Samahan mo ng cake," dugtong ko.

OK na sana kami. Pinalampas na naman ang katotohanang walang kape at tsokolate. Pero may isa pang problema. Sira ang aircon sa Red Ribbon.

Eto ang pruweba:

Cakes lang yata ang pinapalamigan dito. Para sa customers, electric fan lang.


At dahil di na namin makayanan ang init sa Red Ribbon, lumipat kami kung saan may kape.

Dito kami napunta:

May kape at malamig ang lugar.

Pero di pa rin kami nakuntento. Di kasi pwedeng manigarilyo. Kaya ang ending namin at sa Marie's World Pizza Cafe and Restaurant. At sa smoking area ng Marie's World, ito ang nakita ko:




Salamat naman at buhay pa ang mga tartanilla ng Iligan.

Friday, May 25, 2007

Virgin

Sa buong limang oras na byahe from Pagadian to Iligan, laging lumilingon ang babae at iniirapan ako. Ako naman, kunwari busy sa pagte-text kahit walang signal sa dinadaanang towns.

Pero wala syang nagawa. Hindi nya akong pwedeng awayin sa Iligan. Sa Linamon, which is the last town papuntang Iligan, ako bumaba.

Sa Linamon, naglunch kami ng isang kaibigan. Di naman gaanong bongga ang food. In fact, sa karenderya lang kami kumain. Pero sa loob ng karenderya, andaming boys, as in boys na bagets. Mga menor de edad.

Sa Linamon, first time kong nakatikim ng virgin. Masarap din sya. Manamis-namis. Gusto kong ulit-ulitin.

Eto sya.

Thursday, May 17, 2007

Tuta!



Bumyahe ako last week. From Davao City, lulan ng Cebu Pacific, pumunta ako ng Zamboanga kung saan naglunch with a friend. Pagkatapos ng lunch, sakay ng bus papuntang Ipil, Zamboanga Sibugay. May kinausap na tao sa Ipil, tapos natulog dahil nakakapagod ang tatlong oras na land trip.

Kinaumagahan, sakay uli ako ng bus papuntang Dipolog City. Anim na oras din ang byahe. Sa Dipolog, nagdinner with a friend uli. Overnite sa The Plaza Hotel.

Kinabukasan, byahe na naman papuntang Ozamiz City kung saan naglunch with a friend sa Gats resto/bar. After lunch, sakay na naman ng bus papuntang Pagadian City, dinner with friends, then tulog sa D Laville Resort (naubusan ako ng rooms hotels sa city dahil nakasabay kong dumating sa city ang Team Unity).

Kinabukasan, sa terminal ng bus papuntang Iligan City, may co-passenger akong may dalang tuta. Hindi cute ang puppy pero nakadamit ito at meron pang matching kadena.

Akala ng may-ari cute ang tuta niya. Isa itong askal. Isa itong asong kalye.

Ako: "(nag-iisip) Feeling mo siguro si Paris Hilton ka ha."

Ako: "(out loud) Di ba bawal ang animal sa loob ng aircon bus?"

Kondoktor: "OO sir. Bakit?"

Nguso ang pinangturo ko sa direkyon ng girl na may dalang tuta.

Nilapitan ng bus kondoktor ang girl. Nag-usap sila.

Girl: "May diaper naman sya e."

Ako: "Hindi naman ihi o tae ang problema."

Girl: "E ano?"

Ako: "Ang balahibo niya. Allergic kasi ako sa balahibo ng aso."

Walang naisagot ang girl.

Bago umandar papuntang Iligan City ang bus, bumaba ang girl. At sa limang oras na byahe from Pagadian to Iligan, ang puppy niyang askal ay nasa loob ng running board.

Hindi ako allergic sa balahibo ng aso. Ngayon, sabihin nyo sa akin, sino ang bitch?

Monday, May 7, 2007

Lami

Meme—sa bisaya gay lingo ang ibig sabihin ay lami, na ang ibig sabihin ay masarap, malinamnam, delicious atbp.

Pero ibang meme ang binigay sa akin nina blogie at emman.

At dahil busy ako sa pag-ikot sa buong Mindanao dahil sa eleksyon-- hindi po ako kandidato, entertainer ako --eto na lang muna ang ipo-post ko.


Eto ang bigay ni Blogie: My favorite place in Davao (Region siguro ito) for…


COFFEE: Sa bahay lang. May supply ako ng Benguet Coffee from my Baguio City friends

DATES: Movie house. I can go down on my date in the dark. Hahaha

BIZ MEETINGS: By the sea

HANGING OUT: Blugre MTS

PARTYING: No more parties for me-- ang tagal bago makahada. hehehe

PIGGING OUT: Eat-All-You Can resto

MASSAGE: Firm Therapeutic Massage kung masahe ang habol ko. Asian massage kung may kasamang extra service. Hahaha!

WORKING OUT: I play tennis and badminton

WINDOW-SHOPPING: NCCC mall— mas malapit sa place ko

GETTING AWAY FROM IT ALL: Aguakan, Maragusan in Compostela Valley. Pumupunta ako don ng mag-isa.



Eto naman ang kay Emman: 10 little things that most people do not know about me...

1. I usually take a bath after I take a shit. Feeling ko kasi may remnants na natitira kung di ako naligo.

2. I won a barangay fiesta singing contest when I was a child. My winning piece: Looking through the eyes of love. Bata pa lang ako, pang-girl na ang kinanta ko.

3. Na nabasag ko ang isang set ng Noritake plates namin noong bata pa ako. Nabasag ito habang kumakanta ako ng “Macho, gwapito daw ako” ni Rico Puno. Pati pinggan nagprotesta.

4. That I once wore lace underwear kasi yon ang fetish ng straight hada ko. Super sikip sya at sumisilip si Junior.

5. That I did it, for several occasions, inside a Union Bank ATM booth along C.M. Recto Street kasi walang night shift security guard ang bangko. Isang baklang employee ng bangko rin ang nagsabi sa akin na i-lock ang booth from the inside, i-close ang blinds at ilagay ang Off-Line sign.

6. Na minsan sa aking buhay ay nanligaw ako ng girl. OK na sana, until one night. Galing sa sinehan ng nagdesisyon akong itigil na ang kalokohan. Nalaman ko na ang F nya ay P. Tinanong ba naman ako ng: “How do you pind the pilm?”

7. Na noong high school ako ay may nangyari sa amin ng first cousin (lalaki ito ha). Same age kami. Holy week bakasyon. Ewan ko kung ano ang mas masama: ang nangyari sa amin o ang fact na ginawa namin ito sa loob ng kwarto ng poong nazareno - life-size at more than 100 years old na that time - sa ancestral home namin sa laguna.

8. Na ang first time ko ay isang child molestation case. Elementary ako noon. Naka-boyscout uniform, nang may lumapit sa aking lalaki na nagpapatulong ilocate ang isang subdivision. Ako naman, pinanindigan ang boyscout motto na helpful. Ang ending: sa isang bakanteng lote ako minolestya.

9. Na noong college ako ay sumali ako sa scriptwriting contest ng ABS-CBN para sa writers pool nila. Ang roommate ko sa YMCA Manila Dorm (SM na ngayon) ang nagcommission sa akin para gumawa ng script. Libre coupon bond at merienda tuwing nagsusulat ako sa gabi. Di nakapasok sa Top 10. Years later, binigay ko kay Ricky Lee ang kopya ng script para sa one-on-one workshop sa bahay niya. Doon ko nalaman na nakapasok sya sa Top 20. Isa sa mga judges si Ricky Lee. Kung alam ko lang, baka nagka-break na ako sa scriptwriting.

10. Na inverted ang nipples ko. Pero kusa silang tumatayo kung nilalaro (how poetic). hehehe