Maui Pacquiao

Ang nawawalang baklang kakambal ni Manny

Saturday, March 31, 2007

Wikipedia

Kinakabahan ako. Ayon sa internet:

Manny Pacquiao
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.

Si Emmanuel "Manny" Pacquiao, (ipinanganak Disyembre 17, 1978) kilala sa palayaw na "Pacman", ay ang kasalukuyang People's Featherweight Kampeon ng Mundo (mula pa noong 2003), dating Kampeon ng IBF Super Bantamweight (2001 hanggang 2004), at dating Kampeon ng WBC Flyweight Champion (1998 hanggang 1999). Sa gulang ng 25 taon, nagkamit na siya ng 41 mga panalo, 3 mga talo, at 2 mga tabla, kasama ang 30 panalo na knockout ang kalaban.



Talagang nakakakaba. Pareho kami ng birthday ni Manny.

Thursday, March 29, 2007

28

Umalis ako ng bahay matapos ang nakakagulat na news ni Mama.

“Ano nangyari sa yo?” tanong ni Robert.

“Wala,” sagot ko.

Si Robert ang isa sa mga barkada ko. Bading din.

“Kanina ka pa tahimik. Nag-away na naman kayo ni Bryan?” tanong niya.

“Hindi a,” sagot ko.

Si Bryan ang “kunwari” boyfriend ko. Kunwari, dahil di naman ako sure kung kami nga or kung talagang close lang kami sa isa’t-isa.

“E ano nga nangyayari sa yo?” tanong ulit ni Robert.

“Wala. Wala lang siguro akong ganang lumabas ngayon,” sagot ko.

“E bakit ka pa lumabas?” tanong niya.

“Kasi naka-oo na ako sa yo,” sagot ko.

“Nagtxt ka na lang sana na di na tayo lalabas,” sabi niya.

“Well, we’re here na. Saan na nga ba yung date mo?” tanong ko.

“Parating na raw,” sagot niya.

“Pagdating niya, alis na ako,” sabi ko.

“Uuwi ka na?” tanong niya.

“OO,” sagot ko.

At nang dumating na ang date ni Robert, na feeling ko ay mas bading pa sa kanya, umalis ako. Pero di ako dumiretso sa bahay. Tulad ng napapanood sa mga pelikula, naglakad ako. Di alam sa patungo. Walang direksyon.

Gulong-gulo ang isip ko. Ang tanda-tanda ko na para magkaproblema ng ganito. 28 years old na ako. 28 years na nag-akalang tunay na unica hija ng aking mga magulang. 28 years na nabuhay sa kasinungalingan.

Opo, 28 years old na ako. Ipinanganak ako noong December 17, 1978.

Wednesday, March 28, 2007

Ang Katotohanan

Hithit-buga. Hithit-buga. Hithit-buga.

Yan ang ginawa ng nanay sa harap ko.

“May importante akong sasabihin sayo anak,” sabi niya.

Sa isip ko: “Kung ganon e di sabihin nyo na, hindi yang binubugahan nyo ako ng usok.” Pero di ko nasabi.

“Alam mo ba na mahal na mahal kita?” sabi niya.

“OO naman, anak nyo ako e,” sagot ko.

Ngumiti lang sya. Tapos, isang hithit-buga na naman.

“Sige na Ma, sabihin nyo na ang sasabihin nyo. May lakad pa ako,” sabi ko.

“Saan ka na naman pupunta?” tanong niya.

“May lakad ang barkada,” sagot ko.

“Mas importante pa itong sasabihin ko kesa sa lakad na yan,” sabi niya.

“Kaya nga sabihin nyo na e,” mabilis na sabi ko.

Inumpisahan niya ang kwento. Kesyo nagkita raw sila ng isang dating kaibigan. Kesyo matagal-tagal raw silang di nagkita nito.

Sa isip ko uli: “E ano naman ang koneksyon nito sa sasabihin sa akin?”

“Etong kaibigang ito ay isang midwife,” sabi niya.

“Tapos?” tanong ko.

“Sya nagpaanak sa yo,” sagot ni Mama.

“Tapos?” tanong ko uli.

“Di na kami nagkita mula noong…” sagot niya.

“Mula noong ano?” nakukulitan na ako.

Biglang umiyak si Mama.

“Ma? Ano ba? Bakit ka umiiyak?” tanong ko.

Matagal bago sya nakasagot.

“Ngayon lang uli kami nagkita mula noong ibinigay ka nya sa akin,” sagot ni Mama.

Toink!

Ako naman ang hindi makaimik. Si Mama, iyak pa rin.

“Hindi kita totoong anak,” sabi nya.

“Ha?” tanong ko.

“OO, di kita totoong anak,” at inulit pa.

Sa isip ko uli: “Kung di lang kita nanay siguro ay nasuntok na kita.”

“Di kami magkaanak ng tatay mo kaya inampon ka namin,” sabi niya.

“Bakit ngayon nyo lang sinabi sa akin yan?” tanong ko.

“Ayaw ka namin masaktan,” sagot niya.

“E ano pala ginagawa nyo ngayon? Di ba sinasaktan nyo pa rin ako?” tanong ko.

Di sya sumagot. Iyak pa rin sya.

Matagal bago ako nakapagsalita.

“Sino pala ang tunay kong mga magulang?” tanong ko.

Matagal din bago sya nakapagsalita.

“Di ko alam,” sagot niya.

“Kung di nyo alam, sana ay di nyo na sinabi na ampon lang ako,” inis na ako.

“Pero alam ko kung sino kakambal mo,” sabi niya.

Sa isip ko uli: “Aba Super Twins pa ang drama ko ngayon.”

“Sino?” mahina lang ang boses ko.

“Si Manny Pacquiao,” sagot niya.

Sa isip ko uli: “Mama, isa kang baliw.”