Apo ni Zuma
Gabi na ako umuwi ng bahay. Pagkapasok, isasara ko na sana ang pinto ng may napansing akong maitim at maliit na bagay sa dulo ng aking kaliwang mata. Tiningnan ko. Tama ang suspetsa ko. May ahas sa loob ng bahay.
Maliit lang naman ang ahas-- mga six inches lang ito. Pero ahas pa rin ito. Kaya ako, kinuha ang silya at pumatong.
Mga 30 minutes rin ako sa posisyong nakapatong sa silya. Ang ahas naman, nagtago sa isang sulok.
"Hindi pwede ito," naisip ko.
Dahan-dahan akong tumayo, di pa rin inaalis ang mata sa sulok kung saan nagtatago ang aking uninvited visitor. Kinuha ko ang kutsilyo. Kinuha ko rin ang isang ulo ng bawang. Madaliang dinikdik ang bawang at itinapon sa lugar kung saan naandon ang ahas. Wa epek.
Mag-iisang oras mula noong una ko syang makita, pero wala pa rin, ayaw pa ring gumalaw, gumapang palabas ng bahay.
Nagdesisyon na ako. Talagang hindi pwede ito. Hawak ang sandok sa kanang kamay at walis sa kaliwa, inatake ko sya.
Matapos ang isang minuto, patay siya.

Mabuhay si Maui! Mabuhay ang bagong kampeon!

8 Comments:
Congrats Maui! =) Ngayon, wala nang ahassss sa buhay mo =) zuma tutal, zhutay ang meduslet hehehe
ay, akala ko naman kung anong ahas na 6 inches ang haba.
Owww Mayyy Gawddd.... ang tapang tapang mo naman Maui! Zatotooo lang, thakut na thakut sa mga ahas! Lalo na sa mga maliliit, just imagine kung natutulog ka na at gumapang sa yung katawan!!!!
ano ba yan? naglalabasan na ang mga ahas. magugunaw na ba ang mundo? :-)
hindi ko makita ang ahas... nakablock sa system ng computer namin dito sa office... siguro bastos ito no! nakalagay kasi sa category nya: pornography!
buti hindi si galema at ang kakambal niyang puting ahas ang nakaengkuwentro mo. :-)
aba, nagbabasa ka rin ng aliwan komiks noon ha. alam mong ang ahas na puti lang ang makakapatay kay galema. hahaha
Kakaloka, kahit ganyan din kaliit na ahas eh ndi rin ako mapapakali. At bakit naman kaya nagtago ang bruha? Papansin talaga ayan natsugi ng maaga! :)
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home