Maui Pacquiao

Ang nawawalang baklang kakambal ni Manny

Sunday, May 27, 2007

Walang Kape

Galing ng Linamon, dumiretso ako sa Iligan kung saan may ka-meeting naman akong isang kaibigan.

"Gusto ko kape," nasabi ko.

"Wala namang coffee shop dito e," sagot niya.

Nag-isip kami.

"Sa Red Ribbon na lang," sabi niya.

At sa Red Ribbon nga kami pumunta.

"Miss, brewed coffee," sabi ko.

"Ay wala kaming coffee," sagot sa akin.

"Hot choco na lang," sabi ko.

"Hindi rin available sir," sagot sa akin.

Di na ako nag-isip, automatic ang sagot ko: "Magsara na lang kaya kayo."

Smile lang ang girl.

"Iced tea na lang," sabi ng kasama ko.

"Samahan mo ng cake," dugtong ko.

OK na sana kami. Pinalampas na naman ang katotohanang walang kape at tsokolate. Pero may isa pang problema. Sira ang aircon sa Red Ribbon.

Eto ang pruweba:

Cakes lang yata ang pinapalamigan dito. Para sa customers, electric fan lang.


At dahil di na namin makayanan ang init sa Red Ribbon, lumipat kami kung saan may kape.

Dito kami napunta:

May kape at malamig ang lugar.

Pero di pa rin kami nakuntento. Di kasi pwedeng manigarilyo. Kaya ang ending namin at sa Marie's World Pizza Cafe and Restaurant. At sa smoking area ng Marie's World, ito ang nakita ko:




Salamat naman at buhay pa ang mga tartanilla ng Iligan.

6 Comments:

Blogger Jehzeel Laurente said...

waaaa kawawang red ribbon naman yan.. lahat ng red ribbon dito aircon eh.. hehehe sumbong sa manager para mabilhan ng aircon ^_^

May 28, 2007 at 1:50 PM  
Anonymous Anonymous said...

kakabasa ko lang ng mga blogs mo...san ba kasi ako nagpupupunta?..mandaya is that u?!?!

kung ikaw yan lintik ka namiz ka nmin. kung hindi nman, la lang, enjoy pa rin.

o xa, more entries to come plz...

-makulay

May 29, 2007 at 4:53 AM  
Anonymous Anonymous said...

hello mandaya este maui na pala... kumusta naman ang buhay... nabasa ko kasi yung comment mo kay toothpick... napadaan lang din ako dun... hehehe

May 29, 2007 at 5:12 PM  
Blogger Jap said...

Wow, they have calesas in Iligan?! Nice. Seems you have a lot of fun with your job.

Ingat palagi, I enjoy reading your blurbs.

May 30, 2007 at 4:12 PM  
Blogger maui pacquiao said...

jehzeel, talagang nakaka-shock. may aircon pero sira.

makulay, ano sa tingin mo?

yatot, salamat sa pagdaan

jap, they call them tartanilla in iligan. ok lang ang work-- nakakapagod nga lang.

May 30, 2007 at 7:42 PM  
Blogger Orlando Rubio said...

I used to study in MSU-IIt sa Iligan city and I like the place anyway with a lot of girls in Lucky 18 bar hehehe.

July 19, 2007 at 12:36 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home