Maui Pacquiao

Ang nawawalang baklang kakambal ni Manny

Thursday, June 21, 2007

Seagull

Sa loob ng Seagull in the Sky Mountain Resort

Ang daan patungong waterfall



Ang superdry na strawberry sa kanilang garden



Ang waterfall sa loob ng resort



Pagkatapos ng ulan. Nag-aagaw ang araw at gabi, ang init at hamog.



Dahil sobrang ginaw, umorder kami ng sinigang na hipon. Potah! Isang puno ng kalamansi yata ang ginamit na pampaasim.




Dahil din sa sobrang ginaw, ito na lang ang aming ginawa.





Nalasing ako noong gabing iyon. Si Mark ang katabi ko sa pagtulog. Walang photo.

Monday, June 11, 2007

bulaklak




Eto ang ilan sa mga kuha ko sa Buda. Ewan ko ba at bakit nakafocus ang atensyon ko sa mga flowers.




Ang bango-bango, ang bango-bango
Ang bango-bango ng bulaklak




‘Pag inaamoy, ‘pag inaamoy
‘Pag inaamoy anong sarap



Ang bango-bango, ang sarap-sarap
Amuyin ang bulaklak





Ang laki-laki, ang laki-laki
Ang laki-laki ng bulaklak



Ang pula-pula, ang pula-pula
Ang pula-pula ng bulaklak



Ang laki-laki, ang pula-pula
Ng kulay ng bulaklak



Bubuka ang bulaklak, papasok ang reyna
Sasayaw ng Cha-Cha, ang saya-saya



Boom-ti-ya-ya, boom-ti-ya-ya, boom-ye-ye
Boom-ti-ya-ya, boom-ti-ya-ya, boom-ye-ye




Ang kapal-kapal, ang kapal-kapal
Ang kapal-kapal ng bulaklak



Merong maliit, merong malaki
Merong ding mabahong bulaklak



Merong makapal, merong manipis
Na uri ng bulaklak




Bulaklak (bulaklak, ang bango ng bulaklak)
Sa buhay ay kailangan nang magkakulay ang mundo




Boom-ti-ya-ya, boom-ti-ya-ya, boom-ye-ye [4x]

Sunday, June 10, 2007

Break

Matapos ang sobrang isang buwan na byahe ikot sa buong Mindanao at trabahong 6 am to 12 midnight, binigyan ko naman ng break ang sarili ko.

Nagbakasyon ako sa Buda (Bukidnon-Davao Road), ang little Baguio dito.

Sa Tugbok District pa lang ay nakita ko ito.




Ginutom ako, kaya ang ending ng mga buhay na isda ay eto:



Ang sarap.

Sunday, June 3, 2007

Apo ni Zuma

Gabi na ako umuwi ng bahay. Pagkapasok, isasara ko na sana ang pinto ng may napansing akong maitim at maliit na bagay sa dulo ng aking kaliwang mata. Tiningnan ko. Tama ang suspetsa ko. May ahas sa loob ng bahay.

Maliit lang naman ang ahas-- mga six inches lang ito. Pero ahas pa rin ito. Kaya ako, kinuha ang silya at pumatong.

Mga 30 minutes rin ako sa posisyong nakapatong sa silya. Ang ahas naman, nagtago sa isang sulok.

"Hindi pwede ito," naisip ko.

Dahan-dahan akong tumayo, di pa rin inaalis ang mata sa sulok kung saan nagtatago ang aking uninvited visitor. Kinuha ko ang kutsilyo. Kinuha ko rin ang isang ulo ng bawang. Madaliang dinikdik ang bawang at itinapon sa lugar kung saan naandon ang ahas. Wa epek.

Mag-iisang oras mula noong una ko syang makita, pero wala pa rin, ayaw pa ring gumalaw, gumapang palabas ng bahay.

Nagdesisyon na ako. Talagang hindi pwede ito. Hawak ang sandok sa kanang kamay at walis sa kaliwa, inatake ko sya.

Matapos ang isang minuto, patay siya.





Mabuhay si Maui! Mabuhay ang bagong kampeon!